Fireworks Display, Nagbigay-Liwanag sa Huling Gabi

Nagbigay-liwanag sa kalangitan ang tradisyunal na engrandeng fireworks display bilang pagtatapos ng kapistahang bayan. Naging rurok ito ng saya at tagumpay ng mga ginawang pagdiriwang.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang Pistay Baley 2026 sa paghahatid ng saya, serbisyo, at inspirasyon sa mga Bayambangueño. Patuloy nitong pinagtibay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki sa bayan, habang tinutulungan ang mga pinaka-nangangailangan.