Fire Prevention Month, Binuksan sa Isang Motorcade

Pormal na sinimulan ng Bureau of Fire Protection – Bayambang Fire Station ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2026 sa pamamagitan ng isang motorcade ngayong araw, March 5, 2026, sa pangunguna ni Bayambang Fire Station Acting Municipal Fire Marshal FInsp Joy Carol Palchan.

Naging panauhing pandangal si Mayor Niña Jose-Quiambao na kinatawan ni Dr. Rafael L. Saygo kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng kaligtasan sa sunog at ito aniya ay responsibilidad ng lahat.

Nakiisa rin sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya kabilang ang PNP, MDRRMO, BPSO, RHU, at mga pribadong institusyon, sa rutang umikot papuntang Brgy. Wawa at Brgy. Malimpec upang palawakin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng pag-iwas sa panganib ng sunog. (RSO; BFP)