Financial Subsidy para sa Rice Micro-Retailers, Ipinamahagi

Sa pangunguna ng DSWD kasama ang MSWDO at BPRAT, may 21 na lokal na rice micro-retailers ang tumanggap ng financial subsidy na P15,000 kada isa bilang handog ng gobyerno para malampasan ang epekto ng Executive Order No. 39 na nagpatupad ng price ceiling sa regular at well-milled na bigas.

Ginanap ang payout sa Balon Bayambang Events Center noong Setyembre 26, 2023.

Ang mga napiling recipient’s ng financial subsidy ay masusing dumaan sa validation ng opisina ng MAO, DTI, at SEE.

Naroon din ang ilang mga rice micro-retailers galing sa bayan ng San Carlos upang tumanggap din ng ayuda.

Dumalo sa munting programa upang magbigay ng mensahe sina Hon. Vice Mayor Ian Camille Sabangan; Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad; Coun. Philip Dumalanta; Coun. Martin Terrado II; Coun. Mylvin ‘Boying’ Junio; Coun. Gerry Flores; at Coun. Amory Junio. Naroon din sina OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano at MSWD Officer Kimberly Basco.