Isang Financial Literacy Training ang isinagawa sa Sanlibo National High School para sa mga mag-aaral ng Senior High School, upang palawakin ang kaalaman ng kabataan sa tamang paghawak ng pera, kahalagahan ng pag-iimpok, pagbuo ng budget, at maagang pagpaplano para sa kanilang kinabukasan.
Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw, Nobyembre 18, 2025, sa pangunguna ng Provincial Planning and Coordinating/Local Development Office (PPCLDO) katuwang ang Municipal Cooperative Development Office (MCDO) ng Bayambang.
Tinalakay din ang mga pangunahing konsepto sa kooperatibismo at kung paano ito makatutulong bilang oportunidad para sa kabuhayan.
Nagpasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lalawigan at LGU Bayambang dahil sa pagbibigay ng ganitong uri ng pagsasanay na makapagpapalakas sa kakayahan ng mga kabataan na gumawa ng matalinong desisyong pinansyal pagdating nila sa mundo ng trabaho at negosyo. (RSO; MCDO)






