Noong August 30, 2023, nagsagawa ang Provincial Agriculture Office ng isang field demonstrasyon ng drone spraying at drone fertilizer application technology sa Brgy. Dusoc.
Ito ay pinangunahan ni Provincial Agriculturist Dalisay A. Moya, kasama sina Provincial Consultant for Agriculture Rodolfo L. Castro at Center ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center I Director, Dr. Rogelio C. Evangelista, Municipal Agriculture Office OIC Zyra Orpiano at iba pang municipal officials at kanilang staff.
Ang paggamit ng drone spraying ay malaking tulong para sa mga magsasaka, partikular na sa mga magsasakang may malawak na lupain upang mas mapabilis ang pag-ispray sa kanilang mga pananim. Makatutulong din ito upang malimitahan ang exposure ng magsasaka sa mga pataba, pestisidyo, at iba pang nakakapinsalang kimikal.