Fertilizer Voucher, Ipinamahagi sa Rice Farmers; Onion Seeds, para sa Onion Farmers

Noong September 15, 2023, pinangunahan ni Vice-Mayor IC Sabangan at Councilor Martin Terrado II ang pormal na pamamahagi ng mga fertilizer discount voucher sa mga magsasaka na nauna nang nabigyan ng rice seeds noong mga nakaraang buwan sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture National Rice Program.

Ang fertilizer discount voucher ay makatutulong na mapababa ng mga magsasaka ang gastos nila sa farm inputs sa kanilang mga kabukiran.

Ayon kay OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano, ang mga discount voucher ay para sa isang beses na gamitan lamang at maaaring i-claim sa piling accredited fertilizer merchant sa napiling lugar ng mga farmer-beneficiaries.

Kasabay nito ay ang pormal din na distribusyon ng onion seeds para sa mga onion farmer ng Bayambang. Ang allocation na ito ay para sa mga magsasaka ng sibuyas na nagdusa sa mga nakaraang taon dahil sa mga naging pagbagyo at pagbaha.

Ayon sa MAO, mayroong 2,768 rice farmer-beneficiaries ang nakatanggap ng fertilizer voucher, at ang 600 cans ng onion seeds naman ay inisyal na distribusyon para sa mga onion farmers na nasalanta ng bagyong Paeng noon pang 2022.