Tuluy-tuloy ang grupong Feeding Angels of Bayambang o FAB sa pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng administrasyong Quiambao-Sabangan.
Noong Hulyo 12, 2025, ay isang espesyal na araw dahil kanilang nakumpleto sa unang pagkakataon ang paglilibot sa lahat ng 77 na barangay ng Bayambang makapag-abot lamang ng tulong sa mga undernourished na kabataan at indigent na residente sa lahat ng sulok ng bayan.
Sa tulong ng LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office at Municipal Social Welfare and Development Office, kabilang binisita ang pinakamalayong barangay ng Pantol, at ang mga barangay ng Balaybuaya, Beleng, Batangcaoa, Macayocayo, Langiran, Bical Sur, at Bical Norte.
May 86 na undernourished na kabataan ang kanilang nabiyayaan, at pati na 100 indigent residents ng Brgy. Pantol at 140 indigent residents ng Brgy. Balaybuaya.
Sa wakas, hindi na mapapa-“Sana all” ang mga naturang barangay sapagkat sila mismo ay nakatanggap ng mga fresh vegetables galing Baguio at iba pang masusustansyang pagkain galing sa mga bukas-palad na sponsor na kanilang ka-batch sa Bayambang National High School Class of 1990. (RSO; FAB/MNAO)









