Feeding Angels of Bayambang, Muling Naghatid ng Pamaskong Handog sa mga Bata at Pamilyang Nangangailangan

Bilang bahagi ng kanilang programang Pamaskong Handog 2025, matagumpay na nagsagawa ng feeding activity ang civil society organization na Feeding Angels of Bayambang, sa pakikipag-ugnayan sa MNAO at MSWDO ng LGU-Bayambang, upang magbigay ng tulong at saya sa mga batang Bayambangueño at pamilyang higit na nangangailangan ngayong Kapaskuhan.

Isinagawa ang unang batch ng aktibidad noong Disyembre 8, 2025 sa mga Child Development Center kung saan pinagsaluhan ng kabuuang 61 na mag-aaral mula sa Brgy. Tococ East (19) at Brgy. Tococ West (42) ang inihandang pagkain at munting handog na regalo. Layunin ng aktibidad na suportahan ang nutrisyon at kapakanan ng mga bata, lalo na sa kanilang maagang yugto ng pagkatuto at paglaki.

Samantala, ginanap naman ang ikalawang batch noong Disyembre 20, 2025 sa Brgy. M.H. del Pilar, na nakatuon sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong. Nakinabang sa nasabing feeding activity ang walong batang undernourished at animnapung indigent families, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng grupo na labanan ang kagutuman at kakulangan sa nutrisyon sa komunidad.

Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na pinatutunayan ng Feeding Angels of Bayambang ang kanilang malasakit at pakikiisa sa layuning maghatid ng pag-asa, kalusugan, at saya sa bawat pamilyang Bayambangueño, lalo na ngayong panahon ng Pasko.

Taos-pusong nagpapasalamat ang LGU-Bayambang at ang grupong FAB sa mga sumusunod na donor, kalakip ng panalangin ng pagpapala sa kanilang kabutihang-loob at buong-taong pagkakawang-gawa:

1. Mr. and Mrs. Melinda Austria Jerao – packs of Baguio vegetables

2. Mr. Richard Odon and family

3. Mrs. Cynthia Ricafort Venhaus

4. Mrs. Pinky Cancino Lim and family

5. Mrs. Judith Gutierrez Gabatino

6. Mr. Deboy Rectin and family

7. Mr. Raul Quinto Paragas and family

8. Mr. Leandro Quesada and family

9. Mrs. Sharoll Tagab Eclevia and family

10. Mrs. Charlie de Guzman Malicdem and family

11. Mrs. Nova de Vera

12. Mrs. Jennifer Albindia and family

13. Mrs. Cecil Rayray and family

14. Mrs. Berlita Todio and family – 2 boxes of instant noodles

15. Ms. Glesie Aguluan

16. Mr. Dennis Cayabyab and family – 10 sacks of 25 kgs rice

17. Mr. Khorjun Doloque and family – 1 sack of rice

18. Mr. Raymond Palisoc and family – 1 sack of rice

19. Mrs. Zenaida Garcia and family – 1 sack of rice

20. Mrs. Ruby de Vera Torres – champorado from Zia’s Cuisine

21. Mrs. Venise J.A.

22. Don Reedy and Nancy Seen Reedy

23. Anonymous donors – c/o Menchu Fernandez

24. Ms Jeanette Torres

25. Apollo Cayabyab

26. Terry Lopez

27. Marcial Lopez

28. Maricel Halili

29. Agnes de Vera Tañedo

30. Bles Bautista Rosario

31. Mr. & Mrs. Ronaldo & Michelle Quinto

(RSO; FAB)