Feeding Angels of Bayambang, Muling Naghatid ng Birthday Blessings at Balik-Eskwela Feeding sa 89 Daycare Pupils

Ang Feeding Angels Bayambang (FAB) ay patuloy sa misyon nito na “Walang batang maiiwan sa pangarap,” salamat sa lahat ng donors at volunteers na naging bahagi na ng mga aktibidad nito.

Upang muling isulong ang kanilang adbokasiya, muling nagsagawa ang Feeding Angels of Bayambang (FAB) ng isang feeding activity para sa 89 daycare pupils sa Barangay Tamaro, Zone 5, at Zone 7 sa ilalim ng kanilang “Balik-Eskwela Program” ngayong araw, Hulyo 1, 2026.

Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng grupo sa MSWDO at Bayambang Child Development Workers Federation, MNAO, at mga Punong Barangay.

Kasabay ng programa, nagbahagi rin ng birthday blessings ang ilang miyembro ng FAB sa mga bata bilang pasasalamat sa natatanggap nilang biyaya.

Nakinabang din ang limang indigent families, habang ang tatlong undernourished na daycare pupils mula sa Zone 5 ay kabilang sa mga benepisyaryong nasa opisyal na listahan ng Municipal Nutrition Office.

Nakiisa rin sa aktibidad si Municipal Fire Marshal Raymond C. Palisoc, isa ring miyembro ng FAB, sa paghahatid ng suporta at inspirasyon sa mga benepisyaryo.

Ang MSWDO at MNAO ay nagpapasalamat sa malaking tulong na ito sa mga undernourished na kabataan ng Bayambang mula sa ginintuang puso ng mga donor at miyembro ng FAB. (RSO; FAB)