Feeding Angels of Bayambang, May Feeding Activity sa Kanilang 1st Anniversary

Sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo, nagsagawa ngayong araw, Nobyembre 5, 2025, ang Feeding Angels of Bayambang ng isang espesyal na feeding activity para sa pitong undernourished na bata, 43 indigent na benepisyaryo, at isang buntis mula sa Brgy. Cadre Site.

Ito anila ay hudyat ng patuloy na paglilingkod at malasakit ng grupo sa kalusugan at nutrisyon ng mga kapwa Bayambangueño.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office upang matiyak ang maayos na pagpili ng mga target na benepisyaryo.

Sa pamamagitan nito, muling pinatotohanan ng Feeding Angels of Bayambang ang kanilang misyon na maging daan ng pag-asa sa mga nangangailangan. (RSO; Feeding Angels of Bayambang)