Upang lalo pang patatagin ang kaalaman ng mga magsasaka tungo sa mas produktibo at sustenableng agrikultura, idinaos ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang Farm Business School (FBS) Graduation Ceremony nitong Oktubre 22, sa Agriculture Conference Room, Legislative Building.
May temang “Empowering Farmers through Agripreneurship and Sustainable Agribusiness Development,” tampok sa programa ang pagkilala sa mga magsasakang matagumpay na nakapagtapos ng FBS Training.
Pinangunahan ni Mr. Alfonso de Vera, FBS Coordinator, ang pagbubukas ng programa sa pamamagitan ng kanyang welcome remarks, na sinundan ng mensahe ng suporta mula kay Ms. Jeimelie C. Constantino ng Agricultural Training Institute – RTC I, Santa Barbara, Pangasinan na nirepresenta ni Administrative Support Staff III Krisel R. Paguel.
Nagbigay naman ng special message si Atty. Rodelyn Rajini Sagarino-Vidad, Municipal Administrator, na nagpasalamat sa mga magsasaka sa kanilang patuloy na dedikasyon sa agrikultura sa kabila ng mga hamon.
Binigyang-inspirasyon ng alkalde ng bayan ng Bayambang, Mayor Niña Jose-Quiambao, ang mga magsasaka sa kanyang mensahe, kung saan hinikayat niya ang mga ito na maging huwaran sa paggamit ng kaalaman sa agripreneurship bilang susi sa mas maunlad na kabuhayan.
Matapos iprisenta ni Mr. De Vera ang mga bagong graduates ng programa at kinumpirma ng Training Specialist II, ang mga magsasaka ay ginawaran ng kani-kanilang Certificates of Completion.
Nagbahagi rin ng inspirasyon si Mr. Joven G. Menor, isa sa mga nagtapos, sa pamamagitan ng kanyang testimonya, habang ipinahayag ni Mr. Larry Serrano, kinatawan ng graduating batch, ang kanilang message of commitment tungo sa pagpapatuloy ng mga natutunan sa FBS.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng closing remarks si Mr. Albert Lapurga, Cooperative Development Specialist II, na nagpasalamat sa lahat ng kalahok at sa lokal na pamahalaan sa patuloy na pagsuporta sa mga inisyatibang pang-agrikultura. (RGDS/RSO; Rob Cayabyab, JMB)












