Exit Conference para sa External Assessment ng ECCD Centers at Workers, Isinagawa

Isinagawa ngayong araw, Pebrero 18, 2026, ang Exit Conference para sa External Assessment ng ECCD Centers at Workers sa 3rd Floor ng MSWDO Building sa Brgy. Magsaysay. Dumalo rito ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kinatawan ng MSWDO, at mga ECCD workers ng bayan.

Inilahad ni Ms. Carla T. Cacatian, Provincial ECCD Focal Person at Team Leader, ang resulta ng isinagawang assessment sa mga child development centers at mga manggagawa nito.

Naroon sina MLGOO Editha Soriano, Municipal Councilor Jocelyn Espejo, at MSWD Officer Kimberly P. Basco upang magbigay ng mensahe.

Nagkaroon din ng open forum upang mapag-usapan ang mga obserbasyon at rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad at nagsilbing gabay tungo sa mas dekalidad na ECCD services sa Bayambang. (Precious Jewel Espejo/RSO; JMB)