Exit Conference, Isinagawa para sa Validation & Assessment ng BARCO, HAPAG, at Cleanest Barangays Contest

Ang mga miyembro ng Municipal Validation and Assessment Task Team (MVATT) ay ipinatawag ni Mayor Niña Jose-Quiambao upang ipresenta ang mga findings sa ginawang tatlong araw na “Validation and Assessment of Barangay Road Clearing Operations (BARCO), Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), at Quarterly Assessment for Cleanest Barangays” sa ilalim ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang exit conference/postmortem ay idinaos sa Mayor’c Conference Room noong  July 5, 2024, sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad; Liga ng mga Barangay President, Hon. Raul R. Sabangan; LNB OIC, Hon. Rodelito F. Bautista; MLGOO Editha Soriano; at mga pinuno ng iba pang ahensya at departamento na naging validators.

Matapos ibahagi ang mga obserbasyon sa ginawang validation sa 15 na barangay, kabilang ang Brgy. Malimpec, Langiran, Alinggan, Sapang, Nalsian Sur, Tamaro, Buenlag 1st, Buenlag 2nd, Ataynan, Bacnono, Bical Norte, Tanolong, Inanlorenza, Idong, at Sanlibo, tinalakay sa pulong ang mga rekomendasyon at ang napiling top 10 cleanest barangays. (RSO; JMB)