Executive Session with PBs, SKs, at Farmers’ Presidents, Muling Ginanap

Matiyagang pinakinggan at inaksyunan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga issues at concerns na itinaas ng mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan, at Farmers’ Association President, sa isa na namang executive session na ginanap noong July 8, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.

Kasama sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, DPA; Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at mga department, section, at agency head, pinangunahan ni Mayor Niña ang pag-iisip ng mga paraan upang agad na masolusyunan ang mga nabanggit na isyu sa mga barangay. (RSO; AG)