Isang staff ng ESWMO ang naisipang gumawa ng dustpan mula sa gamit nang plastic container ng isang brand ng odor eliminator na ginagamit sa ating Materials Recovery Facility sa Brgy. Telbang.
Ayon sa ESWMO, mas piniling pagkaabalahan ng garbage collector na si Bobby Manuel ang gumawa ng naturang dustpan mula sa recyclable materials sa mga oras na bakante siya sa halip na tumunganga.
Ang mga naturang gawa ay malaking pakinabang at katipiran para sa ating mga street sweepers at isang hakbang na makakalikasan. (RSO; ESWMO)



