Noong buwan ng Marso 2024, sinimulan ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO-Bayambang) ang malawakang information, communication, at education campaign (IEC) na nakatuon sa resposibilidad ng barangay sa R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at tungkol sa programang Bali-Bali’n Bayambang 2.0.
Ang kampanyang ito ay umabot sa 55 barangays ng Bayambang, na kasama ang kabuuang 3,180 residente. Pinangunahan ni MENRO Joseph Anthony Quinto, ang pinuno ng ESWMO, ang mga informative session, kasama ang mga pangunahing kawani kabilang sina SEMS Eduardo M. Angeles Jr., Daisy J. dela Cruz, Moises E. Rebamontan, at Carlo Bien E. Gutierrez.
Layunin ng IEC initiative na magbigay-kaalaman sa mga barangay ukol sa kanilang responsibilidad sa wastong pamamahala ng basura at pagsunod sa mga regulasyon sa kapaligiran na nakasaad sa R.A. 9003. (text and photos: ESWMO-Bayambang)