ESWMO, May Info Drive sa MDRRMO

Ang ESWMO ay nagsimulang mag-conduct ng information and education campaign sa iba’t ibang tanggapan ng Munisipyo, matapos silang maimbitahan ng MDRRMO na magbigay ng seminar sa mga DRRM staff ukol sa solid waste management, partikular na sa waste diversion, noong Pebrero 2, 2026 sa Legislative Bldg.

Tinalakay ni MENRO Ma-Lene S. Torio ang mga sumusunod na paksa: Waste Segregation, Waste Collection Schedule, Waste Volume per Category, Expense on Waste Disposal, and kung ano ang mga magagawa ng MDRRMO upang maging compliant sa mga batas ukol sa tamang pangangasiwa ng basura. (RSO; ESWMO)