Ang ESWMO ay lumahok sa seminar ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management na pinamagatang “Enhancing Capabilities of Composting Facilities for Biodegradable Wastes Beneficiaries” noong October 15-17, 2024 sa Regency Hotel, Calasiao.
Ayon kay ESWMO SEMS Ed Angeles Jr., “ang main purpose ng training ay para mapabuti ang pagproseso ng ating mga biodegradable waste sa pamamagitan ng composting facility na grant project ng Bureau of Soil and Water Management na na-avail ng LGU mga anim na taon na ang nakakaraan.”
Ang departamento ay nag-uwi ng mga soil test kits na magagamit “para maanalisa ang lupa hinggil sa mga pangunahing nutrients na kailangan ng mga halaman na nasa lupang ite-test. Dito rin malalaman kung gaano karami at anong uri ang patabang angkop sa specific size ng area na pagtatamnan sa susunod na taniman” (RSO; ESWMO)