Ang ESWMO ng Bayambang ay tumanggap ng tatlong parangal sa ginanap na Solid Waste Summit 2024 noong January 24, 2024, sa DENR-EMB Regional Office I sa San Fernando, La Union.
– Plaque of Recognition for Outstanding Practices in Composting and other RA 9003 Programs
– Solid Waste Enforcement Excellence Award
– Green Governance Excellence Award
Tatlong barangay naman ang nakatanggap din ng mga pagkilala, ang Green Governance Excellence Award (Barangay Level). Ang mga ito ay ang:
– Brgy. Sancagulis
– Brgy. Inirangan
– Brgy. Tococ East
Naroon para tanggapin ang mga parangal sina SEMS Edgardo Angeles Jr. bilang kinatawan ni MENRO Joseph Anthony F. Quinto, dating Sancagulis Punong Barangay Marcelo Caniezo, bagong Sancagulis PB Melencio M. Papio, Tococ East PB Roy V. Camacho, at mga kinatawan ni Inirangan PB Jonathan S. Espejo.