Muling idinaos ang serye ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training (ERPAT) ng DSWD upang makapag-organisa ng mga asosasyon ng mga tatay na tutulong sa pagpapalakas ng mga pamilya at sa pagsulong ng positibong pagdidisplina, pagpapatibay ng ispiritwalidad, at pag-iwas sa masasamang bisyo.
Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nakilahok ang 160 na mga tatay sa walong barangay, noong April 2-4 (Malimpec), April 22-24 (Bongato West), May 7-9 (Carungay), May 21-23 (Langiran), June 4-6 (Magsaysay), March 5-7 (Malimpec), April 2-4 (Pugo), at August 28-30, 2024 (M.H. Del Pilar).
Nagsilbing mga tagapagsalita ang Philippine National Police – Bayambang, Public Attorney’s Office – RTC San Carlos City, Pangasinan, MSWDO, RHU, at CSOs ukol sa iba’t ibang paksang nabanggit.
Pagkatapos ng training, nagbigay ng mga binhi at punla ang Municipal Agriculture Office, upang mabigyan ang mga kalahok ng kanilang panimulang gagawin.
Nagbigay din ng mga food pack ang MSWDO upang matugunan ang kanilang kakainin sa hindi nila pagtratrabaho ng tatlong araw, at bumuo rin ang mga nagsipagtapos na ama ng organisasyon sa kani-kanilang barangay. (JE/RSO; MSWDO)