Energy Conservation Council, Pinagtibay ang mga Inisyatibo para sa Pagtitipid sa Enerhiya

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isang pagpupulong ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Coordination Council (IAEECC) ang ginanap sa Mayor’s Conference Room (MCR) noong May 15, 2025, upang talakayin ang revised Energy Efficiency and Conservation (EEC) Plan ng LGU-Bayambang na nakatuon sa pagpapasiya ng pinal na pagkukunan ng pondo para sa implementasyon nito.

Bukod dito, iprinesenta rin ang resulta ng energy audit matapos ang isinagawang spot-checking ng Department of Energy–North Luzon Field Office.

Layunin ng pagpupulong na mapaigting ang pagtitipid sa konsumo ng enerhiya ng LGU at maisulong ang mas espiyenteng serbisyo nito.

Pinangunahan ang pulong ni EEC Officer, Engr. Rudyfer Macaranas ng Municipal Engineering Office. (RGDS/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka