Employee Orientation, Isinagawa ng HRMO para sa JOs

Nagdaos ang Human Resource Management Office ng isang employee orientation program noong  November 28, 2024 sa SB Session Hall para sa mga bagong job order o J.O. employees ng LGU Bayambang, sa pangunguna ni HR Officer Nora R. Zafra.

Ipinaliwanag nina Ms. Sheryl Duquez at Gng. Rosario de Leon sa programa ang tungkol sa Employment Status in General, Nature of Appointments, Administrative Offenses at Leave of Absences.

Tinalakay naman ni Ms. Jolina Ramos ang usapin ukol sa LGU Expectations at Policies and Regulations.

Dumating din si Ms. Lara Purisima ng Accounting Office upang banggitin ang ukol sa tax deductions ng BIR.

Diniscuss naman ni Legal Officer, Atty. Melinda Rose Fernandez, at Nancy Flores ang usapin ukol sa Administrative Offenses/Corresponding Penalties at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).

“Be loyal to your job and do what is right,” pagdidiin ni Atty. Fernandez

Ukol naman sa Prohibited Acts and Transactions ang laman ng discussion ni Ms. Sheila Paula Sarmiento.

Layunin ng hakbang na ito na tiyakin na ang bawat kawani ng gobyerno ay may malalim na pang-unawa sa kanilang mga tungkulin at kung paano ito isasagawa nang may responsibilidad, integridad, at malasakit sa pampublikong interes, at higit sa pansariling kapakinabangan.

Kasama rin dito ang pagpapaliwanag ng vision, mission, mga layunin, at mga patakaran ng LGU-Bayambang

Sa nasabing programa, binigyan din ng pagkakataon ang mga empleyado na iparating ang kanilang mga concerns, na agad namang tinugunan ng HRMO. (Patrick Salas; RSO; PS)