Nagsagawa ng emergency inspection ang Department of Public Works and Highways (DPWH)–District 4 Office sa Warding–San Vicente Bridge ngayong araw, Agosto 10, 2026, upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng nasabing tulay.
Pinangunahan ni Assistant District Engineer Eldred M. Mislang ang inspeksyon, kasama sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at Municipal Engineer, Engr. Bernadette D. Mangade.
Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ng mga kinauukulan ang kondisyon ng tulay at tinalakay ang mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang mga minor damages na napansin sa istruktura.
Ayon sa DPWH–District 4 Office, passable pa rin ang Warding–San Vicente Bridge. Gayunpaman, bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mapangalagaan ang kondisyon ng tulay, nililimitahan muna ang mga sasakyang maaaring dumaan dito hanggang 5 tons lamang.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa DPWH-District 4 Office upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga kinakailangang pagkukumpuni at iba pang nararapat na hakbang para sa kaligtasan ng publiko. (MEO; MEO)




