Eligible Senior Citizens, Nakatanggap ng Cash Gift mula sa NCSC

Ang mga senior citizen na edad 80, 85, 90, at 95 ay nakatanggap ng cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, di lang mga senior citizen na edad 100 kundi pati na ang mga edad 80, 85, 90, at 95 ang maaaring makapag-avail ng cash grant. Ang mga may nasabing edad (bukod sa 100 years old) ay makatatanggap ng P10,000 cash.

Ginanap ang distribusyon ng cash grant noong Hulyo 14, 2025 sa Balon Bayambang Events Center, sa pakikipag-ugnayan ng NCSC sa Municipal Social Welfare and Development Office at Office of Senior Citizen Affairs. (RSO; JMB)