Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang mga assistive device na nagmula sa kabutihang-loob at malasakit ni Morris F. Camorongan, pinsan ni dating LGBTQI Bayambang Federation President Sammy Lomboy, noong Nobyembre 3 sa Balon Bayambang Events Center.
Ang mga assistive o mobility device na ito ay kinabibilangan ng mga wheelchair, quad cane, at crutch, at mayroon pang kasamang 40 kahon ng face masks, nasiguradong malaking tulong sa mga person with disabilities (PWD) at senior citizen. (John Loyd Tamondong/RSO; Rob Cayabyab)

