EDUKASYON PARA SA LAHAT | Search for BPC President (Permanent Position), Binuksan; Graduation Fee, Sinagot Din nina Dr. Cezar at Mayor Niña!

Sa pag-convene ng mga miyembro ng Board of Trustees ng Bayambang Polytechnic College, inanunsyo nina Dr. Cezar T. Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama si BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, ang pagbubukas ng search for a permanent BPC President.

Sa pulong ding ito, hindi lamang ang tuition fee ng mga estudyanteng taga-Bayambang ang inilibre ni Dr. Cezar at Mayor Niña–kanila na ring inilibre ang graduation fee ng mga matatawag na scholars ng BPC.

Nagbigay din ng update ang mga opisyal ng BPC ukol sa mga pinakahuling naging accomplishment ng kolehiyo.

Ginanap ang naturang pulong ngayong araw, Mayo 18, 2026, sa Mayor’s Conference Room. (RSO; RobC)