Ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ay muling pinulong ang Economic and Infrastructure Development sector ng LGU para sa 3rd quarter ukol sa kanilang mga naisagawang proyekto na nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Plan.
Ang pulong ay ginanap ngayong araw, September 30, 2025, sa Mayor’s Conference Room, sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at dinaluhan ng BPRAT staff at mga miyembro ng naturang sektor.
Layunin ng pagpupulong na suriin ang mga nagawa, tutukan ang mga hamon, at palakasin ang koordinasyon ng mga departamento para palakasin ang mga naturang sektor.
Inilahad sa pulong ng mga departamento ang kani-kanilang quarterly accomplishments, kabilang ang:
1. Infrastructure Modernization: pagpapagawa ng mga kalsada sa mga barangay, at pagkumpleto ang rehabilitasyon ng Bayambang Public Market para sa mas ligtas at modernong pasilidad.
2. Agrikultura at Kabuhayan: pinaigting ang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng libreng abono at pagsasanay sa organic at modenized farming, para sa pagtaas ng kanilang ani at kita.
3. Turismo at Negosyo: patuloy ang pagpapatayo ng mga negosyo para sa paghatak ng mga investors at turismo sa bayan.
4. Employment Boost: nagsagawa ng mga job fair na nagkonekta sa residente sa mga lokal at international na employer.
Giit ni Atty. Vidad, “Ang tagumpay ng ating mga programa ay nakasalalay sa sama-samang pagkilos. Dapat tiyakin na bawat proyekto ay nakaaangat sa buhay ng mga Bayambangueño mula sa mga magsasaka hanggang sa mga kabataang nangangarap ng mas magandang oportunidad.”
Binigyang-pansin din ang pangangailangang iugnay ang mga plano sa Bayambang 2040 Vision, ang long-term development framework ng bayan. (Charlaine T. Melendez, VMF/RSO; AG)











