Matagumpay na isinagawa ng BPRAT ang Economic and Infrastructure Cluster Meeting noong Nobyembre 18, 2025, sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Legislative Building, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang update at hakbang para sa pagtatapos ng taon.
Pinangunahan ang pagpupulong ni OIC-MPDO Ricky Bulalakaw bilang sectoral head, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan na kabilang sa cluster.
Sentro ng diskusyon ang updates sa 4th quarter accomplishments, kung saan muling sinuri ang accomplishment reports ng bawat departamento. Tinalakay rin ang mga kinakailangang aksyon upang matiyak na makakamit ang mga target na layunin bago matapos ang taon.
Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, muling pinagtibay ng LGU ang kahalagahan ng koordinasyon at maayos na pagpaplano upang masigurong naipapatupad nang epektibo ang mga programang pang-ekonomiya at pang-imprastraktura para sa kapakinabangan ng bayan. (RGDS/RSO; RGDS)







