Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kinilala ang mga natatanging barangay sa isinagawang Eco Space Competition ng Bali-Balin Bayambang para sa mga KALIPI-Bayambang members, sa awarding ceremony nitong Abril 27 sa Balon Bayambang Events Center.
Nanguna ang Brgy. Bacnono na may kabuuang iskor na 94.65% at tumanggap ng Php 5,000 na gantimpala. Sumunod ang Brgy. Bani na nakapagtala ng 92.99% at ginawaran ng Php 3,000, habang pumangatlo ang Brgy. Sanlibo na may 91.66% at tumanggap ng Php 2,000.
Sinuri ang mga kalahok batay sa creativity (50%), design (20%), durability and quality (20%), at overall presentation (10%), na nagbigay-diin sa kahalagahan ng inobasyon at sustenableng paggamit ng mga materyales sa paglikha ng eco-friendly spaces.
Nagbigay naman ng tig-P1,000 consolation prize si Mayor Niña Jose-Quiambao sa lahat ng ibang lumahok ngunit di pinalad magwagi.
Layunin ng kumpetisyon na hikayatin ang mga barangay na maging aktibo sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan, kasabay ng pagsusulong ng disiplina at responsableng pamamahala ng basura sa komunidad. (WMC/RSO; RobC; ESWMO)









