Isang entry ng LGU-Bayambang at One Document Corp. ang napiling kampeon sa 8th Regional Agriculture and Fisheries Extension Network (RAFEN) 1 Symposium ng Department of Agriculture, na ginanap sa Nueva Segovia Consortium of Cooperatives (NSCC) Hotel, Caoayan, Ilocos Sur mula October 19 hanggang 20, 2023.
Ang winning thesis paper at oral presentation ay may pamagat na, “E-Agro: A Platform that Provides Assistance to All Farming Needs at One’s Fingertips.” Ito ay matagumpay na dinipensahan ni Municipal Agriculture Office (MAO) staff Catherine Quilantang, kasama sina Bernabe Mercado Jr. ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Raiza Mae Cacal ng MAO, Maricel San Pedro ng E-Agro Inc./One Document Corp., at Resie Castillo ng MAFC-Bayambang.
Sa pitong team na sumali mula sa iba’t ibang LGU sa Rehiyon Uno, ang naturang thesis ang napili ng mga hurado matapos silang mamangha sa konseptong ito na unang naisipang buuin ni former Mayor Cezar T. Quiambao kasama ang kanyang Mayor’s Challenge 2022 team mula sa LGU at paglaon ay ang mga programmer at system analyst ng One Document Corporation sa ilalim ni Jorge Yulo.
Ang E-Agro team ay nagwagi ng P20,000 cash prize.