Noong April 8, 2024, sa inisyatibo ni Local DRRM Officer Genevieve U. Benebe, nagpulong ang BFP, DILG, MENRO, at Liga ng mga Barangay upang pag-usapan ang dumaraming insidente ng grassfire sa Bayambang na kadalasan ay dulot ng ipinagbabawal na pagsusunog ng mga natuyong maisan at mga tuyong dahon na winalis sa bakuran.
Ang pulong ay dinaluhan nina Liga President at Board Member Raul R. Sabangan, MLGOO Johanna Montoya, BFP OIC Chief Divine Cardona, at MENRO Joseph Anthony Quinto noong ika-2 ng hapon sa MDRRMO Satellite Office sa Wawa Evacuation Center.
Kanilang tinalakay ang mga dahilan ng pagsusunog at ang mga nararapat na hakbang upang mas epektibong maipatupad ang batas laban sa naturang paglabag, na malimit ay nagdudulot ng perwisyo, kung di man banta, sa nakararaming residente. (RSO/MDRRMO)