Nagpamahagi ang DSWD-RO1 ng puhunang pangkabuhayahan (o seed capital fund) sa napiling 35 na benepisyaryo mula sa lokal na Muslim community sa ilalim ng programa ng ahensya na Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ito ay matapos humiling si G. Abdulcader Ben Camarullah, na miyembro ng naturang komunidad, sa ahensya para sa naturang ayuda.
Ang 35 na benepisyaryo ay pawang miyembro ng Muslim community sa Brgy. Telbang.
Ginanap ang payout sa Barangay Hall ng Telbang ngayong araw, Setyembre 12, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Bayambang Poverty Reduction Action Team.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P15,000, P10,000 at P5,000 na seed capital fund, depende sa napili nilang microenterprise o livelihood project.
Naroon upang batiin ang mga benepisyaryo sina Konsehal Martin Terrado II, Konsehal Amory Junio, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at DSWD Provincial Coordinator Pangasinan 1 Gilberto S. Cariño.
Ayon sa ulat, ito ang unang pagkakataon na mabigyan ng ganitong grant ang lokal na Muslim community.