DSWD-RO1: MSWDO-Bayambang, “Functional” sa 2023 Assessment

Ang MSWDO ay naka-score ng 2.41 o “Level 2 – Functional” sa pinakahuling assessment ng DSWD-Regional Office I ukol sa Service Delivery Capacity nito bilang isang local social welfare development office gamit ang batayan ng ahensya sa assessment activity.

Ang ahensya ay winelcome sa Bayambang ni Acting Municipal Mayor Ian Camille Sabangan at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Ang evaluation ay isinagawa mula October 19 hanggang 20 sa Conference Room ng RHU I, at ang assessment team ay pinangunahan ni Ma. Concepcion F. Marag, SWO II. Layunin aniya ng aktibidad ang pag-ibayuhin ng LGU ang pagbibigay ng mga serbisyo nito sa mga vulnerable at disadvantaged na sektor sa pamamaraan na standardized, systematic, at impact-driven.

Ang pagsagot sa mga masusing katanungan ng regional evaluation team ay pinangunahan ni MSWD Officer Kimbery Basco at ng kanyang staff, kasama ang Municipal Accountant, Internal Auditor, HRM Officer, Legal Officer, at OIC MPDO.

Ang MSWDO Bayambang ay maaari pang makakuha ng mas mataas na score na 2.53 kung maipapasa nito ang ilang deferred indicators ng DSWD.