Ngayong araw, ika-5 ng Nobyembre 2024, nagpamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng livelihood assistance sa ilalim ng kanilang Sustainable Livelihood Program para sa 129 na indibidwal na nakitang kwalipikado at may kapasidad na magtayo ng maliit na negosyo.
Ang 129 na indibidwal na nagmula sa iba’t ibang barangay ay nakatanggap ng kabuuang tulong pinansyal na Php1,935,000.00.
Ang payout activity ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ang nasabing pondo ay malaking tulong sa bagong batch ng benepisyaryo upang masimulan ang kanilang mga napiling kabuhayan. (Rovin Gem Soriano/RSO; DSWD/MSWDO)