Kinilala ang natatanging serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Municipal Operations Office (MOO) ng Bayambang matapos nitong tumanggap ng sunud-sunod na parangal para sa epektibong pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ngayong taong 2025.
Ang major group awards na natanggap ng MOO Bayambang:
– Most Institutionalized Municipal Advisory Council Meeting
– Most Improved Conduct of Municipal Advisory Council Meeting
– Most Participative Municipal Operations Office
– Beneficiary Data Management Champion
– Model LGU Implementing 4Ps
– Highest Percentage of Self-Sufficient Household Beneficiaries
– Case Management Champion
Major Individual Awards:
– Malikhaing Kaisipan – Richard D. Rivera Jr.
– Best Performing Case Manager – John Christopher P. Rosquita
– KUlympics 1st Runner-Up – John Christopher P. Rosquita
– Best Performing Municipal Link – Lawrence Roy P. Domagas
– SWDI Tool Champion
– Highest Individual Performance Contract Rating – Angelica Lorraine V. Tino
Minor Individual Award:
– Perfect Attendance – Jeri Miah V. Fullero
Ayon sa Team Leader ng opisina na si Richard Rivera, ang mga pagkilalang ito ay bunga ng kanilang masigasig na pagtatrabaho, sakripisyo, at patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor.
Nagpaabot ng pasasalamat ang MOO Bayambang sa lahat ng miyembro ng kanilang tanggapan, gayundin sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa pangunguna ni Mayor Nina Jose-Quiambao, Vice Mayor Ian Camille Sabangan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento.
Pinapurihan din ng DSWD ang ambag ng Municipal Administrator na si Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, MSWDO Kimberly P. Basco, mga civil society organizations, barangay officials, at Cluster IV at POO focal staff na patuloy na katuwang sa pagpapatibay ng mga programa para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sa kabila ng lahat ng parangal, binigyang-diin ng MOO Bayambang na ang tunay na inspirasyon sa kanilang paglilingkod ay ang patuloy na pag-unlad ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps. (RSO; DSWD-MOO)









