Ang DSWD ay nagsagawa ng partial delivery ng mga food items para sa Supplementary Feeding Program (SFP) ng ahensya para sa mga Day Care Learners noong October 16, 2023, sa Pavilion II ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, Brgy. Bani, sa presensya ni MSWD Officer Kimberly P. Basco at DSWD Field Office SFP Focal Person Rowena M. Lopez.
Ayon kay MSWDO Child Development Focal Person Marvin P. Bautista, ang dumating na delivery ay good for one week.
Ang kada cycle ng SFP ay sapat para sa 120 days na supplementary feeding.
Tinanggap ng 77 Child Development Workers mula sa 74 Child Development Centers ng Bayambang ang naturang batch ng food items.