Isang orientation activity at Memorandum of Agreement (MOA) signing ang isinagawa ng DSWD kasama ang CSOs ngayong araw, March 13, 2025, sa RHU Conference Room, sa pangunguna ni May-Anne Grace C. Jimenez-Costales, CSO Focal Person ng Regional Program Management Office ng DSWD-4Ps.
Ipinaliwanag ng DSWD sa Managos Farmers Agricultural Cooperative at Rotary Club District 57924 kung paano sila maging partner organization, partikular na kung paano makakatulong sa programa ang sariling mga inisyatiba ng dalawang CSOs.
Matapos nito ay lumagda sa MOA ang Managos Farmers Agricultural Cooperative. (RSO; DSWD)