Noong May 28, 2025, ang DSWD 4Ps Municipal Operations Office (MOO) ay dumalo sa isang orientation activity sa Mayor’s Conference Room sa rekomendasyon ng Pangasinan Provincial Operations Office upang magkaroon ang M.O.O. ng isang volunteer mula sa grupong Peace Corps Philippines, base sa inisyatibo ng DSWD Region I Program Management Office.
Sa nasabing partnership, nakatakdang maging katuwang ng DSWD ang isang Amerikanong Peace Corps volunteer sa pagconduct ng kanilang Youth Development Session, Family Development Session, at iba pang aktibidades kaugnay ng implementasyon ng programang 4Ps. (RSO; JMB)