Isang briefing ang isinagawa para sa mga driver ng BAMACADA, BAYMACDA, UV Express, at mga jeepney kaugnay ng dry run ng operasyon sa pansamantalang bus station na matatagpuan sa lumang Central School malapit sa Bonifacio Street ngayong araw, April 29, 2025.
Pinangunahan ito ni Bayambang Public Safety Office (BPSO) Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, upang ipaliwanag ang mga patakaran ng terminal, loading at unloading ng pasahero, at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan.
Ang aktibidad ay bahagi ng paghahanda ng pamahalaang lokal upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa sentro ng bayan.
Inaasahan ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga driver habang isinasagawa ang dry run. (RGDS/RSO; BPSO)