Ang mga napa-graduate ng PESO-Bayambang noon sa isang dressmaking course sa tulong ng TESDA ay inilapit ng tanggapan sa DSWD upang makapag-avail sa SLP o Sustainable Livelihood Program.
Sila ay nabigyan ng start-up capital na may halagang P260,000 na kanilang ibinili ng 8 sewing machines at mga materyales na pangtahi.
Kasama sa kanilang ginastos ang pagsasaayos ng kanilang shop.
Sa ngayon, ang 15 na dressmaking course graduates — na pawang mga OFW returnees at mga pamilya ng OFWs — ay nag-ooperate na ng kanilang sariling sewing business na kanilang pinangalanang Atams Fabric @SLPA Inc. malapit sa barangay plaza ng Brgy. Tatarac.
Sa mga nais magpatahi o magpa-repair, pumunta lamang sa kanilang shop o tumawag sa mga numerong 09929647642 at 09154221141. (GJS/RSO; PESO)











