DOST-FPRDI at BPI-CPMD, Nagpa-training para sa Onion Farmers  ukol sa Organic Pesticide

Upang higit pang mapalakas ang lokal na inobasyon sa agrikultura at mapalitan ang paggamit ng kemikal na pestisidyo ng organikong alternatibo, naghandog ng isang pagsasanay ang Department of Science and Technology – Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) katuwang ang Crop Pest Management Division (CPMD) ng Bureau of Plant Industry – Central Office sa mga lokal na onion farmers ukol sa “Bamboo LIQUOR Ph: Local Innovation for Quality Use as Organic Pesticide Resource in the Philippines.”

‎Idinaos ang naturang pagsasanay noong Setyembre 24, 2025 sa Agriculture Office Conference Room para sa mga onion grower at mga miyembro ng farmers’ cooperative and association ng bayan.

‎Sa inisyatibang ito, ipinakilala ang makabagong teknolohiya sa paggamit ng ‘Bamboo LIQUOR’ bilang isang organikong pesticide na makatutulong sa mas ligtas at sustenableng pagsasaka.

‎Ito ay inaasahang magdudulot ng malaking benepisyo hindi lamang sa mga magsasaka ng sibuyas, kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng agrikultura at pagprotekta sa kalikasan sa bayan ng Bayambang. (RGDS/RSO; AG)