DOLE TUPAD, May 1,343 na Bagong Beneficiaries

Isa na namang payout activity ang isinagawa ng DOLE at PESO-Bayambang kaugnay ng TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantated/Displaced Workers ngayong araw, September 12, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Sa batch na ito, mayroong kabuuang 1,343 na market vendors, parents ng child laborers, solo parents, at indigent sectors ang tumanggap ng tig-P4,350.

Ang pondo para sa 1,146 beneficiaries ay sinagot ng tanggapan ni Cong. Rachel ‘Baby’ Arenas, samantalang ang nalalabing 197 beneficiaries ay pinondohan naman ni Sen. Loren Legarda. (KALB/RSO; JMB, PESO)