DOLE Region I Narito para sa Technical and Advisory Visit

Bumisita ang DOLE Region I para sa isang Technical and Advisory Visit (TAV) sa tulong ng PESO sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park noong  Hulyo 3, 2025.

Dinaluhan ito ng mga business owner sa Bayambang.

Layunin ng programa ang ipaalam sa kanila ang mga labor law (batas sa paggawa), occupational safety and health (OSH), at iba pang kaugnay na mga patakaran.

Naging tagapagsalita sina Engr. Dindo Indasan at Engr. Rommel Austria.

Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa DOLE CPFO. (PESO; RSO; PESO)