Noong April 18, ang DOLE Regional Office 1 ay nagbigay ng orientation seminar sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, na tinawag na “Technical and Advisory Visit (TAV) to Micro-Establishments.”
Ayon sa PESO-Bayambang, may 288 na vendors mula bayan ng Bayambang (159) at Basista (129) ang umattend dito.
Ang TAV ay tumutukoy sa pagsasagawa ng mga orientation seminar at awtorisadong tulong at follow-up na pagbisita ng mga sinanay na mga inspektor ng DOLE sa mga micro-enterprise (MEs) na wala pang sampu ang bilang ng manggagawa.
Layunin ng TAV na tulungan ang mga micro- at small enterprise na mapataas ang kanilang produksyon upang sa gayon ay makapagcomply na rin sa mga labor standard.
Kabilang sa mga naging resource persons mula sa DOLE Regional Office ay sina Engr. Sonia G. Espiritu – Labor Inspector, Engr. Analiza Occidental – Labor Inspector, Diana Talania – LEO III – Assistant Labor Inspector, at Jomar C. Heruela – TUPAD Coordinator. Mula naman sa DOLE Central Pangasinan Field Office sina Rhodora D. Dingle – Senior LEO, Maureen T. Gallego – Assistant Labor Inspector, Sharimar B. Camangeg – Assistant Labor Inspector, Irish Mae Carreon – TUPAD Coordinator, Darwin R. Cerezo – TUPAD Coordinator, at Mark Jerome Almajuela – Job Order.