DOLE, Dumalaw para sa Technical Advisory sa Micro-Enterprises

Ang DOLE Region I-Central Pangasinan Field Office ay bumisita sa Bayambang para magbigay ng isang Technical and Advisory Visit and Orientation sa mga micro-enterprises o establishments na may isa hanggang siyam na kawani.

May 79 na pribadong micro-establishments ang dumalo upang makinig sa mga lecture mula sa DOLE-R1 CPFO ukol sa kung paano maayos na patakbuhin ang kanilang negosyo nang naaayon sa batas. (RSO; PESO)