Nagsagawa ng isang courtesy call and DOH Center for Health Development (CHD) Region I kay Mayor Niña Jose-Quiambao para sa isang inisyal na pulong ukol sa Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP), na isang programa ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.
Sila anila ay may ibibigay na grant para sa mobilization fund, mga training para sa programa, at iba pa, upang iaddress ang mga kaso ng stunting sa Bayambang.
Ang makakatanggap lang nito sa ngayon, anila, ay ang Dagupan City at bayan ng Bayambang lamang sa buong Rehiyon Uno.
Kabilang sa delegasyon sina Ms. Jovita Leny Calaguas, Nutritionist IV; Teresita Roxanne Flores, Nurse II, at Dr. Josefa Angelie Galope, Medical Officer II, ng CHD-DOH Region 1.
Sila ay winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at MNAO Venus Bueno at kanyang staff. (RSO/MNAO)