DOH-CHD I, Nag-validation Visit para sa DRRM-H

Ang Health Emergency Management System (HEMS) team ng Center for Health Development Regional Office I (CHD I) ng Department of Health (DOH) ay bumisita sa Rural Health Unit I noong May 23, 2024 upang mag-validate sa Bayambang Disaster Risk Reduction and Management for Health (DRRM-H).

Nagsilbing validator sina Michelle Bermudez at Joanne Asperin Villanueva ng DOH-CHD I. Kanilang nirebyu ang Bayambang DRRM-H plan and activities na isinagawa magmula taong 2023 matapos ang institutionalisasyon ng naturang plano. Ang DRRM-H Plan ay epektibo sa loob ng tatlong taon maliban na lamang kung sakaling magkaroon ng anumang di inaasahang sakuna sa Bayambang.

Ayon kay Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, ang lahat ng means of verification (MOV) na hiniling ng CHD ay naibigay at naipasa ng Bayambang DRRM-H team na kinabibilangan nina Dr. Vallo at mga Rural Health Nurses na sina Grace O. Abiang, Erik Macaranas, Jessie Herrera, at Jonathan Florentino. (RSO; RHU I)