Bumisita ngayong araw, ika-9 ng Oktubre 2025, ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office I at ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang (LGU) upang i-finalize ang pagtatatag ng DMW Help Desk sa Munisipyo.
Layunin ng inisyatibang ito na maghatid ng mas malapit at maayos na serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa ating bayan.
Pinangunahan ng DMW Regional Office OIC-Chief Administrative Officer na si Christian Brylle T. Navarro ang pagbisita sa tanggapan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at Migrant Desk Officer Gernalyn J. Santos upang talakayin ang mga teknikal at operasyonal na pangangailangan para sa naturang Help Desk.
Inaasahang magbubukas ang Help Desk sa ika-12 ng Nobyembre 2025, ng taong kasalukuyan. (GS; PESO)




