District 9, Kampeyon sa Inter-District Basketball Tournament 2025; Basan, Finals MVP

Matapos ang ilang linggong pagpapakitang-gilas ng mga bawat atletang Bayambangueño, ganap nang natapos ang Bayambang Inter-District Basketball Tournament 2025 na nilahukan ng siyam na distrito ng bayan ng Bayambang, sa pag-oorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council sa pamumuno ni MPFSDC Chair, Mayor Niña Jose-Quiambao.

Sa pamamagitan ng ipinamalas na angking husay, galing at pagtutulungan, nanguna at nasungkit ng Distrito 9 ang kampyonato at sila ay nakatanggap ng tropeyo at P30,000 bilang cash prize.

Hinirang bilang finals MVP si Onofre Basan ng Brgy. Cadre Site na nakatanggap ng medalya at P5,000 bilang cash prize.

Nakamit naman ng Distrito 3 ang ikalawang puwesto na nakatanggap ng tropeyo at P20,000 bilang cash prize.

Sinundan naman ito ng Distrito 4 na nasungkit ang ikatlong puwesto at nakatanggap ng tropeyo at P10,000 bilang cash prize.

Gayundin, nakatanggap ang bawat lumahok na distrito na P5,000 cash bilang consolation prize na taos-pusong handog ni Councilor Rhyan de Vera.

Ang aktibong pakikilahok ng bawat Bayambangueño sa ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita na malaki ang bahagi ng pampalakasan sa ikauunlad ng kabataan at mga atletang Bayambangueño. (JLT/RSO; AG)