Distribution of Interventions under the DA-RFO I High-Value Crops Development Program

Matagumpay na naipamahagi ang mga agricultural interventions mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO I) sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) sa mga napiling benepisyaryo sa bayan ng Bayambang.

​Ang mga mapalad na tumanggap ng interventions ay ang Bical Elementary School, Bayambang Central School, at Naragsak Warding Farmers Association. Kabilang sa kanilang mga tinanggap ang vegetable seeds, foliar fertilizer, at iba’t ibang gardening implements.

Layunin ng programang ito na suportahan ang pagpapaunlad ng high-value crops production, palakasin ang food security, at hikayatin ang mga paaralan at farmers’ associations na makiisa sa pagsusulong ng mas produktibo at sustenableng agrikultura.

​Naging katuwang sa matagumpay na distribusyon ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Bayambang, na siyang nag-coordinate at namahagi ng mga interventions upang matiyak na maayos at on-time itong maipagkaloob sa mga benepisyaryo.

​Ang inisyatibang ito ay patunay sa patuloy na partnership ng Department of Agriculture at ng Municipal Agriculture Office ng Bayambang sa paghahatid ng mga programang makatutulong sa pagpapalakas ng agricultural sector at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng buong komunidad. (Ivan T. de Vera/RSO; MAO).